AMBASADOR NG CHINA SA PILIPINAS, BUMISITA SA TUGUEGARAO CITY
Tuguegarao City – Pinangunahan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que ang mainit na pagtanggap sa ambahador at sa kanyang delegasyon mula sa embahada. Sa isang makasaysayang araw, nagbigay-pugay ang Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City kay His Excellency Huang Xilian, Ambassador ng People’s Republic of China sa Pilipinas ng itoy bumisita sa Lungsod.
Kasamang sumalubong sa mga bisita sina City Councillor Grace Arago, City Councillor Arnel Arugay, City Administrator Juanito Calubaquib, City Tourism Officer Gina Adducul, at iba pang mga kinatawan ng departamento ng LGU Tuguegarao City.
Ang pagbisita ay naglalayong palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng Tuguegarao City at People’s Republic of China. Ibinahagi ni Ambassador Huang Xilian ang kanyang pagkilala sa kultura ng Tuguegarao at ang kahalagahan ng patuloy na pagtataas ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
Nagkaruon din ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan na iparating ang pasasalamat sa suporta at magandang samahan sa pagitan ng Tuguegarao City at China.
Sa huli, ipinaabot ni Mayor Ting-Que ang kanyang mainit na pagtanggap sa Ambassador, na nagbibigay daan para sa mas maraming pagkakataon ng pag-unlad at pagkakaisa sa hinaharap.