Pamahalaang Lokal ng Tuguegarao City, Kinilala sa LCAT VAWC Functionality Awards

Pamahalaang Lokal ng Tuguegarao City, Kinilala sa LCAT VAWC Functionality Awards

Sa ginanap na Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT VAWC) Functionality Awards noong Disyembre 1 sa Hotel Carmelita, iginawad ng Regional Inter-Agency Against Trafficking and Violence Against Women and their Children at Department of Social Welfare and Development Field Office 02 ang mataas na pagkilala sa Pamahalaang Lokal ng Tuguegarao City.

LGU Tuguegarao Kinilala sa LCAT VAWC
LGU Tuguegarao Kinilala sa LCAT VAWC

Binigyan ng Plaque of Recognition ang LCAT VAWC ng Lungsod bilang pagpaparangal sa kanilang kahusayan sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maprotektahan ang mamamayan laban sa anumang anyo ng karahasan at pagsasamantala, lalung-lalo na ang Trafficking in Persons at Violence Against Women and their Children.

Ang LGU Tuguegarao City ay nagtagumpay sa pag-angat ng kanilang rating sa 105% Functionality o IDEAL LEVEL, na nagpapakita ng masigasig na pagtugon sa pangangailangan ng komunidad laban sa karahasan sa mga kababaihan. Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng 18 araw na kampanya upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan ngayong taon.

Ang LCAT VAWC ay isang mahalagang mekanismo na naglalayong i-coordinate at subaybayan ang pagpapatupad ng mga batas na Republic Act No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) at Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004) sa pagsusulong ng karapatan at kaligtasan ng kababaihan.

Leave a Comment

Scroll to Top